Task Force Bangon Marawi, nangakong pabibilisin pa ang rehabilitasyon sa Marawi

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nangako ang mga ahensya na miyembro ng Task Force Bangon Marawi (TFBM) na pabibilisin pa ang pagkumpleto ng lahat ng mga proyekto sa Marawi City.

Sa ginanap na inter-agency meeting, tinalakay ng mga kinatawan mula sa implementing bodies ng TFBM, kabilang ang Department of National Defense (DND), Department of Education (DepEd), Local Water Utilities Administration (LWUA), at National Housing Authority (NHA), ang pinakabagong updates at developments sa status ng kanilang mga natitirang programa, proyekto at aktibidad sa Marawi.

Binigyang diin ni Assistant Secretary for Task Force Bangon Marawi Melissa Aradanas, na ang rehabilitasyon ng Marawi ay nananatiling nasa tamang landas.

Aniya, marami nang pag-unlad ang naganap sa lungsod at iba’t ibang proyekto na ang nakumpleto na pakikinabangan ng mga mamamayan.

Nagbigay naman Department of Human Settelements and Urban Development (DHSUD) Secretary Jose Rizalino Acuzar, na kinakailangang matapos na ang rehabilitasyon ng Marawi sa pagtatapos ng taon.

Hinimok niya ang mga miyembrong ahensya ng TFBM, na doblehin ang kanilang pagsisikap sa pagtatapos ng kani-kanilang mga proyekto. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us