Topnotcher ng 2023 Civil Engineering Licensure Exam na 4Ps beneficiary, nagpasalamat sa DSWD

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagpaabot ng kanyang pasasalamat ang topnotcher ng 2023 Civil Engineering Licensure Exam na si Engr. Alexis Alegado sa naitulong ng pagiging benepisyaryo ng Pantawid sa Pamilyang Pilipino Program (4Ps) mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Sa isang video message, ibinahagi ni Alegado na dahil sa financial assistance na hatid ng DSWD ay natustusan ang kanyang pag-aaral hanggang makapagtapos at makapasa sa licensure exam.

Una nang ipinagmalaki ng DSWD ang tagumpay ni Engr. Alegado na nagtapos bilang Cum Laude sa Mariano Marcos State University (MMSU) sa Batac, Ilocos Norte at nakakuha ng 92.10% score sa 2023 Civil Engineering Licensure Examination.

Ayon kay DSWD Spokesperson Assistant Secretary Romel Lopez, patunay ang tagumpay ni Engr. Alexis Alegado na ang 4Ps ay napakahalaga sa bawat pamilyang Pilipino para mapagtapos sa kolehiyo ang kanilang mga anak na siyang makakatulong para sa pag-angat mula sa kahirapan.

Ipinunto naman ni DSWD Secretary Rex Gatchalian na binibigyang oportunidad ng 4Ps program ang mga kabataang Pinoy para makapagsikap at makawala sa pagiging mahirap. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us