Tourism Exchange sa pagitan ng China at Pilipinas, palalawakin

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inaasahang mas lalawak pa ang ugnayan sa turismo sa pagitan ng China at Pilipinas.

Ito ang inihayag ng Federation of Filipino Chinese Chambers of Commerce and Industry, Inc. (FFCCCII) sa isinagawang PH-China Tourism Exhange and Promotion Forum ngayong araw na dinaluhan ng mga delegasyon mula sa Huangshan City sa China sa pangunguna ni Huangshan Municipal Committee Sec. Gen. Yang Long.

Isa ang Huangshan City sa pinakabagong tourism destination na pino-promote ng China sa mga Pilipinong turista.

Kilala ito bilang isang world-class ecological at leisure tourist destination na may 75 milyong tourist visitors kada taon.

Ayon kay Federation of Filipino Chinese Chambers of Commerce and Industry, Inc. (FFCCCII) Dr. Cecilio Pedro, simula na ito ng mas marami pang tourism exchange sa pagitan ng Pilipinas at China na bunga ng naging pagbisita sa China kamakailan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Nakatakda namang magtungo rin sa Ilocos Norte ang Chinese delegation para lumagda sa isang Sister City Agreement sa Ilocos Norte LGU na hindi lang nakatuon sa pagsusulong ng turismo kundi pati na sa economic cooperation. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us