TV sets sa lahat ng kampo at himpilan ng pulisya sa Metro Manila, pinatatanggal

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ipinag-utos ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Director, Police Major General Edgar Allan Okubo sa lahat ng mga district at station commander sa Metro Manila na tanggalin ang mga television set na nakalagay sa lobby ng kanilang kampo at istasyon.

Ito ayon kay Okubo ay para mapagtuunan ng pansin ng mga naka-duty na pulis ang mga sumasadya sa kanilang tanggapan para humingi ng tulong.

Ginawa ng NCRPO Chief ang pahayag matapos magsagawa ng discreet study ang kanilang Regional Intelligence Division sa iba’t ibang himpilan ng pulisya.

Doon, nadiskubreng sa halip na dinggin ang idinudulog na suliranin ay nakatingin lamang ang mga desk officer sa telebisyon na nasa kanilang lobby at ayaw paistorbo.

Una rito, inilagay ng PNP ang mga television set para magbigay ng kaunting aliw sa mga kababayang sumasadya sa mga himpilan ng pulisya habang naghihintay na maalalayan sila ng mga pulis.

Dahil dito, sinabi ni Okubo na aalisin na sa mga lobby ang TV sets, at ililipat ito sa iba pang lugar na off limits sa publiko tulad ng mess hall at investigation rooms.

Epektibo rin ang nasabing kautusan sa lahat ng Police Community Precinct gayundin sa mga Sub-station ng pulisya sa buong Kamaynilaan. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us