Ugnayan ng US National Guard at Philippine Army, palalakasin

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagpahayag ng pagnanais ang United States National Guard Bureau na mapalawak ang “engagement” sa Philippine Army para mapahusay ang humanitarian response ng dalawang bansa sa mga natural na kalamidad at emergency.

Ito ang inihayag ni US National Guard Bureau Chief General Daniel Robert Hokanson kay Philippine Army Chief of Staff Major General Potenciano Camba, sa pagpupulong ng dalawang opisyal nitong Sabado sa Army Headquarters sa Fort Bonifacio.

Dito’y pinag-usapan ng dalawang opisyal ang pagpapalakas ng Reserve Force at best practices sa pag-manage ng Reserve Force ng dalawang bansa.

Nagpahayag naman si Maj. Gen. Camba ng kahandaan na makipag-cooperate sa US National Guard sa pag-develop ng Reserve Force ng Pilipinas na magsisilbing Force multiplier para sa depensa at nation-building.

Nagpasalamat din si Maj. Gen. Camba sa US National Guard sa kanilang suporta sa Pilipinas sa iba’t ibang larangan ng kooperasyon.

Ang pagbisita ni Hokanson sa bansa ay bahagi ng pag-obserba sa State Partnership Program ng Pilipinas sa National Guard counterparts sa Guam at Hawaii. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us