Vice President Sara Duterte, nagbukas ng bagong extension office sa Tondo, Maynila

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinangunahan ni Vice President Sara Duterte ang pagbubukas at ribbon-cutting ceremony ng bagong Office of Vice President (OVP) Public Assistance Division Extension Office sa Tondo, Maynila ngayong araw.

Ang bagong tanggapan ay matatagpuan sa Mel Lopez Boulevard, Barangay 101 sa Tondo.

Sa kanyang mensahe, sinabi ni VP Sara na inaasahang mas lalawak ang maaabot ng medical at burial assistance lalo na sa matataong komunidad sa Lungsod ng Maynila.

Marami aniya ang nangangailangan ng serbisyo at programa ng OVP sa Tondo at bahagi ito ng kanilang hangarin na mapagsilbihan ang mamamayan.

Una nang binuksan ng OVP ang una nitong extension office sa Lipa City, Batangas.

Plano ng OVP na palawakin pa ang dekalidad at epektibong serbisyo sa mga mahihirap sa iba’t ibang bahagi ng bansa tulad ng medical at burial assistance, PagbaBAGo campaign, Libreng Sakay, Mag Negosyo Ta ‘Day at Peace 911. | ulat ni Hajji Kaamiño

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us