Vietnam, nais paigtingin ang pakikipag-ugnayan sa Pilipinas para sa maritime cooperation ng 2 bansa

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nais paigtingin ng bansang Vietnam ang pakikipag-ugnayan nito sa Pilipinas para sa pagpapalakas ng maritime cooperation ng dalawang bansa.

Ito’y matapos magkaroon ng pagpupulong ang kinatawan ng Pilipinas at Vietnam para sa 10th Philippines-Vietnam Joint Permanent Working Group on Maritime and Ocean Concerns sa Ha long, Vietnam nitong Martes.

Ayon kay Department of Foreign Affairs (DFA) Assistant Secretary for Maritime and Ocean Affairs Maria Angela Ponce na layon ng naturang pagpupulong sa Vietnam na magkaroon ng pagpapalitan ng kaalaman at pahayag ng dalawang bansa hinggil sa usapin ng Maritime cooperation ng dalawang bansa at upang mas mapaigting pa ang pagkakaibigan ng Pilipinas at ng bansang Vietnam sa pagsusulong ng kapayapaan, stabillity, at prosperity sa rehiyon.

Dagdag pa ni Ponce na isa rin sa napag-usapan sa naturang pagpupulong ay ang pagkakaroon ng joint activities ng dalawang bansa para sa marine scientific research, meteorology, marine environment protection, search and rescue, oil spill preparedness and response, at sa sektor ng fisheries at maritime trade ng dalawang bansa. | ulat ni Arrian Jeff Ignacio

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us