₱40 daily wage increase sa Metro Manila, welcome kay Sen. Jinggoy Estrada

Facebook
Twitter
LinkedIn

Itinuturing ni Senate Committee on Labor Chairperson Senador Jinggoy Estrada na ‘welcome development’ ang pag-apruba ng 40 pesos na dagdag sa daily minimum wage ng mga manggagawa sa national capital region (NCR).

Ayon kay Estrada, pinapakita lang nito na kinikilala ng NCR regional tripartite wages and productivity board ang pangangailangan na i-adjust ang sweldo at agarang inaksyunan ang petisyon ng mga grupo ng mga manggagawa.

Iginiit ng senador na karapat-dapat at kailangan ng mga manggagawa ang taas-sweldo para makaagapay sa tumataas na presyo ng mga pangunahing bilihin.

Sa kabila nito, kinikilala rin ng mambabatas na hindi sapat ang 40 pesos na dagdag sa sweldo para makasabay sa living wage sa Metro Manila.

Kaya naman, tiniyak ni Estrada na patuloy pa ring tatalakayin ng kanyang komite sa senado ang mga nakabinbing panukalang batas tungkol sa pagpapataas ng wage rates ng mga manggagawa sa bansa. | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us