Pangulong Marcos Jr., nagpasalamat sa FFCCCII sa naging papel nito para makapasok ang mga unang COVID vaccine sa bansa

Nagpaabot ng kanyang pasasalamat si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa malaking papel na ginampanan ng Federation of Filipino-Chinese Chambers of Commerce and Industry upang makarating sa bansa ang mga unang bakuna kontra sa COVID-19. Sa talumpati ng Chief Executive sa oath taking ng mga bagong opisyales ng FFCCCII sa Malacañang, inihayag ng pangulo na… Continue reading Pangulong Marcos Jr., nagpasalamat sa FFCCCII sa naging papel nito para makapasok ang mga unang COVID vaccine sa bansa

Iba’t ibang komite sa Kamara at ahensya ng gobyerno, pinaglalatag ng tugon para sa nagbabadyang epekto ng El Niño

Sa kabila ng deklarasyon ng pagsisimula ng panahon ng tag-ulan ay dapat pa ring maging alerto at handa ang pamahalaan sa epekto ng nagbabadyang El Niño. Ito ang ipinunto ni Deputy Speaker at Las Piñas Representative Camille Villar sa paghahain ng House Resolution 1024. Sa ilalim ng resolusyon ay hiniling ni Villar sa iba’t ibang… Continue reading Iba’t ibang komite sa Kamara at ahensya ng gobyerno, pinaglalatag ng tugon para sa nagbabadyang epekto ng El Niño

Mas aktibong degassing, na-monitor sa Bulkang Taal; publiko, pinag-iingat

Kinumpirma ng PHIVOLCS ang aktibong degassing o paglabas ng usok sa main crater ng Taal Volcano. Ayon sa PHIVOLCS, batay sa 24 hr monitoring nito, ay nagbuga ng mataas na lebel ng sulfur dioxide o asupre ang Bulkang Taal na may upwelling ng mainit na volcanic fluids sa Main Crater Lake. Naitala rin ang malakas… Continue reading Mas aktibong degassing, na-monitor sa Bulkang Taal; publiko, pinag-iingat

Ilang mambabatas sa Kamara, pinaaaral ang epekto ng paggamit ng chemical fertilizer sa lokal na produksyon ng bigas

Isang resolusyon ang inihain ng apat na mambabatas sa Kamara para magkasa ng pag-aaral hinggil sa epekto ng pagiging dependent ng bansa sa imported fertilizer. Sa ilalim ng House Resolution 972 nina Camarines Sur Rep. LRay Villafuerte, Sta. Rosa City Rep. Dan Fernandez, Bataan Rep. Albert Raymond Garcia, at Bicol Saro Rep. Brian Raymund Yamsuan,… Continue reading Ilang mambabatas sa Kamara, pinaaaral ang epekto ng paggamit ng chemical fertilizer sa lokal na produksyon ng bigas

NCRPO, nakahanda na para sa ikalawang SONA ni Pres. Marcos Jr.

Nakahanda na ang pulisya para sa ikalawang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa July 24, ayon sa National Capital Region Police Office (NCRPO). Ayon kay NCRPO Regional Director Police Major General Edgar Alan Okubo, nasa 22,081 ang inisyal na itinalaga para ikalawang SONA ng Pangulo ngayong taon; 17,000… Continue reading NCRPO, nakahanda na para sa ikalawang SONA ni Pres. Marcos Jr.

Sitwasyon ng Bulkang Taal at Mayon, bantay sarado pa rin ng PHIVOLCS

Mahigpit pa ring naka-monitor ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) sa lagay ng Bulkang Taal at Bulkang Mayon na magkasunod nagpakita ng mga abnormalidad nitong mga nakaraang araw. Batay sa 24hr monitoring ng PHIVOLCS, nagtala ng dalawang volcanic earthquake at 46 na rockfall events ang bulkang Mayon. Umakyat naman sa 574 tonelada ang… Continue reading Sitwasyon ng Bulkang Taal at Mayon, bantay sarado pa rin ng PHIVOLCS

Economic growth rate ng Pilipinas, isa sa may pinakamagandang paglago sa buong mundo — PBBM

Kumbinsido si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na isa na sa pinakamaganda sa buong mundo ang economic growth rate ng Pilipinas. Ang pahayag ay ginawa ng Punong Ehekutibo sa gitna ng aniya’y magandang balita na dulot ng nakitang pagbaba sa inflation rate mula 6.6 percent to 6.1 percent. Ayon sa Pangulo, lumalaki nang lumalaki at… Continue reading Economic growth rate ng Pilipinas, isa sa may pinakamagandang paglago sa buong mundo — PBBM

PBBM, iginiit ang pagpapatupad ng Philippine Rural Devt Project para sa kapakinabangan ng mga magsasaka at mangingisda

Nanawagan si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa pagpapatupad ng proyektong aniya’y maglalapit sa mga mangingisda at magsasaka sa merkado na magbubunga ng mas mataas na kita. Sinabi ng Pangulo na sa ilalim ng Philippine Rural Development Project (PRDP) Scale-Up ay layunin ntong mapaunlad ang sektor ng agrikultura na mapapakinabangan ng mga Pinoy farmers at… Continue reading PBBM, iginiit ang pagpapatupad ng Philippine Rural Devt Project para sa kapakinabangan ng mga magsasaka at mangingisda

Ilang kalsada patungong Monumento Circle sa Caloocan, isasara sa Araw ng Kalayaan

Naglabas na ng abiso sa mga motorista ang Caloocan City LGU bilang paghahanda sa mga aktibidad na nakalatag sa selebrasyon nito ng ika-125 Araw ng Kalayaan sa Monumento Circle. Batay sa Traffic Advisory nito, sa June 12 ay dose-oras na isasara sa mga motorista (mula alas-12 ng hatinggabi hanggang alas-12 ng tanghali) ang ilang kalsadang… Continue reading Ilang kalsada patungong Monumento Circle sa Caloocan, isasara sa Araw ng Kalayaan

DA, pinaghahanda na ang mga magsasaka, mangingisda sa banta ng bagyong Chedeng

Naglabas na ng abiso ngayon ang Department Agriculture (DA) sa mga magsasaka at mangingisda kaugnay sa banta ng bagyong Chedeng. Batay sa weather forecast ng PAGASA, bagamat hindi pa direktang nakakaapekto sa ngayon ang bagyo ay inaasahang palalakasin naman nito ang hanging amihan na magpapaulan sa kanlurang bahagi ng bansa. Ayon sa DA, ngayon pa lang… Continue reading DA, pinaghahanda na ang mga magsasaka, mangingisda sa banta ng bagyong Chedeng