Reactionary standby support force ng PNP, handang i-deploy sa Albay

Nakahanda na ang Reactionary Standby Support Force (RSSF) ng Philippine National Police (PNP) para i-deploy sa Albay kung sakaling kailangan ng dagdag-pwersa. Ayon kay Philippine National Police (PNP) Spokesperson Police Colonel Jean Fajardo, pandagdag ito sa 800 pulis na nakakalat sa kasalukuyan sa Albay sa pag-aalburoto ng Bulkang Mayon. Sinabi ni Fajardo na kasalukuyang naka-pwesto… Continue reading Reactionary standby support force ng PNP, handang i-deploy sa Albay

Pamilya Biazon, inilabas na ang detalye ng burol ni dating Sen. Rodolfo Biazon

Inilabas na ng pamilya Biazon ang detalye ng burol ng namayapang dating Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff at dating Senador Roldolfo Biazon. Ayon sa inilabas ni Muntinlupa City Mayor Ruffy Biazon, nakalagak ang labi ng kanyang ama sa Chapels 2, 3, at 4 ng Heritage Memorial Park sa Taguig mula ngayong… Continue reading Pamilya Biazon, inilabas na ang detalye ng burol ni dating Sen. Rodolfo Biazon

Ilang biyahe sa NAIA, kanselado dahil sa masamang panahon

Nagbigay abiso ang pamunuan ng Manila International Airport Authority (MIAA) hinggil sa mga kanseladong biyahe sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ngayong araw. Batay sa abiso ng MIAA Media Affairs Division, ito’y dahil sa nararanasang masamang panahon sa destinasyon dulot ng habagat na hinihila ng bagyong Chedeng. Kabilang sa mga nakanselang biyahe ngayong araw ay… Continue reading Ilang biyahe sa NAIA, kanselado dahil sa masamang panahon

Naitalang pagyanig sa Bulkang Taal, bahagyang tumaas

Nakapagtala ng 28 volcanic earthquakes kabilang ang pitong volcanic tremors ang Bulkang Taal sa nakalipas na 24-oras, halos doble ito sa tala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) kahapon. Ayon kay Science Research Specialist Eric Arconado ng Taal Volcano Observatory, patuloy ang magma degassing o pagkawala ng volcanic gas sa magma na dulot… Continue reading Naitalang pagyanig sa Bulkang Taal, bahagyang tumaas

QC LGU, muling ginawaran ng ‘unqualified opinion’ ng COA

Sa ika-tatlong sunod na taon ay muling nakatanggap ang Quezon City Local Government ng “unqualified opinion” mula sa Commission on Audit (COA) matapos ang assessment sa 2022 annual audit report ng lungsod. Ang paggawad ng “unqualified opinion” ay nangangahulugang maayos at tapat ang paggasta ng isang institusyon sa pondo ng bayan at walang bahid ng… Continue reading QC LGU, muling ginawaran ng ‘unqualified opinion’ ng COA

Antas ng tubig sa Angat Dam, nadagdagan

Sa ikalawang sunod na araw ay nadagdagan ng bahagya ang lebel ng tubig sa Angat Dam dahil sa mga pag-ulang dulot ng habagat. Batay sa update ng PAGASA Hydrome­teorology Division, kaninang alas-6 ng umaga ay umakyat sa 187.53 meters ang lebel tubig sa Angat Dam. Bukod sa Angat Dam, umakyat din ang antas ng tubig… Continue reading Antas ng tubig sa Angat Dam, nadagdagan

Sen. Francis Tolentino, nanawagan sa bagong liderato ng DOH na tugunan ang exodus ng Pinoy nurses

Hinimok ni Senador Francis Tolentino ang bagong liderato ng Department of Health (DOH) na maglatag ng mga bagong inobasyon para hikayatin ang mga Pilipinong nurse na manatiling nagtatrabaho dito sa Pilipinas. Kabilang sa mga tanong ni Tolentino kay bagong Health Secretary Teodoro Herbosa ay kung may plano ba sa susunod na budget cycle ng DOH… Continue reading Sen. Francis Tolentino, nanawagan sa bagong liderato ng DOH na tugunan ang exodus ng Pinoy nurses

Ibang tourism activities sa Taal, bawal na muna — DOT

Inabisuhan ng Department of Tourism (DOT) ang publiko tungkol sa pagbisita sa mga tourist destinations sa mga lugar malapit sa Bulkang Taal. Ipinagbabawal na muna ang boating at iba pang tourism-related activities sa Lawa ng Taal, lalo na ang papasok sa Taal Volcano Island, pagbisita sa main crater nito at sa Daang Kastila fissures. Generally… Continue reading Ibang tourism activities sa Taal, bawal na muna — DOT

Mga senador, nakiramay sa pagpanaw ni dating Senador Rodolfo Biazon

Nakikiisa ang mga senador sa pagdadalamhati ng pamilya at ng mga Pilipino sa pagpanaw ni dating Senador Rodolfo Biazon. Ang ilang senador, inalala ang kanilang karanasan at mga natutunan nang makasama nila si Biazon sa Kongreso. Ayon kay Senate Majority Leader Joel Villanueva, nakasama niya si Biazon noong 14th Congress bilang miyembro ng Commission on… Continue reading Mga senador, nakiramay sa pagpanaw ni dating Senador Rodolfo Biazon

Higit ₱29-M ayuda, nailaan na ng DSWD sa mga apektado ng pag-aalburoto ng Bulkang Mayon

Aabot na sa higit ₱29-milyong halaga ng humanitarian assistance ang naihatid ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga lugar sa Bicol Region partikular na sa loob ng 7-kilometer danger zone na pinaka-apektado ng pag-aalburoto ngayon ng Bulkang Mayon. Katuwang dito ng kagawaran ang mga lokal na pamahalaan, Non-Government Organizations (NGOs), at iba… Continue reading Higit ₱29-M ayuda, nailaan na ng DSWD sa mga apektado ng pag-aalburoto ng Bulkang Mayon