15 sugatan sa pagsabog sa isang kainan sa Xentro Mall, Calapan

Facebook
Twitter
LinkedIn

Iniulat ng Police Regional Office (PRO) MIMAROPA na 15 ang sugatan sa naganap na pagsabog ngayong 10:20 ng umaga sa Mr. Won’s Samgyeopsal Korean restaurant sa Xentro Mall Brgy. Lumangbayan, Calapan City, Oriental Mindoro.

Base sa ulat na nakarating sa Camp Crame, apat sa sugatan ay mga empleyado ng naturang kainan, isa ang delivery boy, at 10 ang hindi pa nakikilala.

Nagtamo din ng pinsala ang 12 sasakyang nakaparada sa parking lot ng naturang mall dahil sa lakas ng pagsabog na sinasabing dahil umano sa gas leak.

Sa isang statement, tiniyak ni PRO MIMAROPA Regional Director Police Brig. General Joel Doria na under control ang sitwasyon at nakikipagtulungan ang PNP sa Bureau of Fire Protection (BFP) sa pag-imbestiga sa insidente.

Nanawagan si Doria sa sinumang may impormasyon na makakatulong sa imbestigasyon na makipag-ugnayan sa mga awtoridad. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us