Runway at taxiway ng NAIA, isinara muna matapos ang magnitude 6.3 na lindol

Naglabas ng abiso ang Manila International Airport Authority (MIAA) na sarado muna ang mga runway at taxiway ng Ninoy Aquino International Airport bunsod ng magnitude 6.3 na lindol na naramdaman sa Metro Manila kaninang 10:19 ng umaga. Ayon sa MIAA Media Affairs Division, nagsasagawa na ng cursory inspection ang MIAA Safety Units upang tignan kung… Continue reading Runway at taxiway ng NAIA, isinara muna matapos ang magnitude 6.3 na lindol

20-man team ng MMDA, ipapadala sa probinsya ng Albay

Ipapadala ngayong araw ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang kanilang 20-man team sa Legazpi, Albay para tumulong sa mga naapektuhan ng pag-alburoto ng Bulkang Mayon. Ayon kay MMDA Acting Chairman Atty. Don Artes, target na puntahan ng grupo ang anim na lugar sa probinsya. Para makapagbigay ng inumin na tubig, dadalhin ng team na… Continue reading 20-man team ng MMDA, ipapadala sa probinsya ng Albay

Pananambang na ikinasawi ng 2 pulis kagabi sa Maguindanao del Sur, kinondena ng PNP

Mariing kinondena ng Philippine National Police (PNP) ang pananambang na nagresulta sa pagkamatay ng dalawang pulis na nagsasagawa lang ng kanilang regular na pagpatrolya sa Shariff Aguak, Maguindanao del Sur kagabi. Sa isang statement, sinabi ni PNP Public information Office Chief Police Brigadier General Red Maranan na hindi titigil ang PNP hanggat hindi nakakamit ang… Continue reading Pananambang na ikinasawi ng 2 pulis kagabi sa Maguindanao del Sur, kinondena ng PNP

Bilateral Labor Agreement sa pagitan ng Pilipinas at Portugal, tinalakay ng DMW at Portuguese Embassy

Tinalakay ng Department of Migrant Workers at ng embahada ng Portugal ang Bilateral Labor Agreement sa pagitan ng Pilipinas at Portugal para sa pagpapadala ng Overseas Filipino Workers. Isinagawa ito sa courtesy call ni non-resident Ambassador of Portugal to the Philippines Maria Jao Falcao Lopes Cardoso kay Migrant Workers Secretary Susan Ople kahapon. Layunin nito… Continue reading Bilateral Labor Agreement sa pagitan ng Pilipinas at Portugal, tinalakay ng DMW at Portuguese Embassy

Pag-usad ng SOGIESC Equality Bill sa Kamara, ikinalugod ng CHR

Welcome sa Commission on Human Rights (CHR) ang pag-apruba ng House Committee on Women and Gender Equality sa revised Sexual Orientation, Gender Identity, Gender Expression, o Sex Characteristics (SOGIESC) Equality Bill. Sa ilalim ng panukala, itinutulak ang pagbabawal sa anumang uri ng diskriminasyon batay sa SOGIESC. Para sa CHR, ‘long overdue’ na ang panukala na… Continue reading Pag-usad ng SOGIESC Equality Bill sa Kamara, ikinalugod ng CHR

Caloocan LGU, may programa para sa LGBTQIA+ ngayong Pride Month

Bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng Pride Month, ay naglatag ng iba’t ibang aktibidad ang Caloocan LGU para sa LGBTQIA+ community. Pangungunahan ito ng Caloocan City Health Department (CHD) na may temang “Kulayan ang Kankaloo: Resisting Inequality, Promoting Diversity.”  Ilan lang sa mga nakalinyang aktibidad dito ang libreng STI screening, HIV discussion, Pride Talk 101, SOGIESC,… Continue reading Caloocan LGU, may programa para sa LGBTQIA+ ngayong Pride Month

Malakas na pagsingaw sa Taal Volcano, muling na-monitor ng PHIVOLCS

Nakapagtala ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ng malakas na pagsi­ngaw o steaming activity sa Bulkang Taal. Sa 24-hour monitoring nito, umabot sa 2,100 metro ang taas ng plumes na napadpad sa direksyon ng hilagang-silangan. Bukod dito, may naitala ring 20 volcanic earthquakes sa bulkan, mas mababa kumpara sa 38 volcanic earthquake kahapon.… Continue reading Malakas na pagsingaw sa Taal Volcano, muling na-monitor ng PHIVOLCS

Mindanao solon, suportado ang planong pagtanggap ng Pilipinas ng Afghan refugees

Suportado ni Cagayan de Oro 2nd district Rep. Rufus Rodriguez ang planong pagtanggap ng bansa ng mga Afghan refugee. Aniya, likas na sa ating mga Pilipino ang pagiging mahabagin at mapagkalinga sa kapwa. Sakaling matuloy ang plano, may sapat naman aniyang refugee center sa bansa na maaaring magsilbing temporary shelter ng Afghan refugees. Maaari din… Continue reading Mindanao solon, suportado ang planong pagtanggap ng Pilipinas ng Afghan refugees

DICT Sec. Uy: ‘Arguable’ ang lumabas na report na 65% ng mga Pinoy ang di pa konektado sa internet

Tinawag ni Department of Information and Communication Technology (DICT) Secretary Ivan John Uy na “arguable” ang lumabas na report na 65 percent ng mga Pinoy ang hindi pa konektado sa internet. Sa ekslusibong panayam ng Radyo Pilipinas kay Sec. Uy kwinuwestyon niya ang inilabas na datos dahil aniya, imposible na 65 percent pa na mga… Continue reading DICT Sec. Uy: ‘Arguable’ ang lumabas na report na 65% ng mga Pinoy ang di pa konektado sa internet

Philippine Economic Briefing, muling gaganapin ngayon sa Singapore

Magsasagawa ngayong araw ang Philippine Economic Briefing (PEB) sa Singapore. Ito ay may  temang  “Unfolding New Chapters in the Philippines’ Growth Story.” Ayon sa Department of Finance (DOF) ito ay naka-schedule ngayong umaga at mapapanood sa mga official Facebook pages ng DOF, Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), National Economic and Development Authority (NEDA), at Department… Continue reading Philippine Economic Briefing, muling gaganapin ngayon sa Singapore