Umabot sa 1,500 indigent families ang tumanggap ng tulong pinansyal mula kay Senator Bong Go at tulong mula sa Deparment of Social Welfare and Development (DSWD) sa pamamahaging ginanap sa bayan ng Nagcarlan, Laguna.
Ayon sa pabatid ng Laguna Provincial Information Office, ay palaging handa na magbigay ng tulong sa mga nangangailangan si Senator Go partikular sa mamayan ng Laguna.
Bukod dito ay isinagawa din ang ribbon cutting ceremony sa bagong renovate na Pamilihang Bayan ng Nagcalran.
Sa pamamagitan ng tanggapan ni Senator Bong Go, naging daan ito upang mapondohan ang nasabing pamilihan.| ulat Tom Alvarez| RP1 Lucena