30 aftershocks, naitala ng PHIVOLCS kasunod ng magnitude 6.3 na lindol sa Calatagan, Batangas

Nagpapatuloy ang aftershocks sa ilang bahagi ng Batangas kasunod ng tumamang Magnitude 6.3 na lindol sa lugar kahapon na naramdaman hanggang Metro Manila. Ayon sa monitoring ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS-DOST), as of 6am ay mayroon nang 30 aftershocks ang naitala. Mula rito, 13 ang plotted earthquakes o natukoy ng tatlo o… Continue reading 30 aftershocks, naitala ng PHIVOLCS kasunod ng magnitude 6.3 na lindol sa Calatagan, Batangas

Mambabatas, hinimok ang Senado na ipasa na rin ang kanilang bersyon ng Early Voting Bill

Kinalampag ng isang kongresista ang Senado na pagtibayin na rin ang kanilang bersyon ng Early Voting Bill oras na magbalik sesyon ang Kongreso sa susunod na buwan. Ayon kay Cagayan de Oro City 2nd District Representative Rufus Rodriguez, malaking tulong aniya kung maging ganap na batas ang panukala lalo na para sa nalalapit na October… Continue reading Mambabatas, hinimok ang Senado na ipasa na rin ang kanilang bersyon ng Early Voting Bill

Pagbuo ng isang National Agricultural Crop Program, ipinapanukala sa Senado

Isinusulong ni Senador Ronald ‘Bato’ Dela Rosa ang isang panukala na magmamandato sa Department of Agriculture (DA) na bumuo ng isang National Agricultural Crop Program para maiwasan ang anumang pagsasayang ng mga gulay, prutas, at iba pang food products. Sa ilalim ng inihaing Senate Bill 2264 ng senador, aatasan ang DA na tukuyin ang mga… Continue reading Pagbuo ng isang National Agricultural Crop Program, ipinapanukala sa Senado

Buwis mula sa sweetened beverages, junk food, maaaring gamitin para sa food stamp program

Iminungkahi ni House Ways and Means Committee Chair Joey Salceda sa economic managers na gamitin ang kita mula sa ipinapataw na buwis sa sweetened beverages pampondo sa planong ‘food stamp’ program ng DSWD. Matatandaan na may alinlangan ang economic managers sa pagsusulong ng naturang programa dahil sa gastos. Ani Salceda sa ilalim ng TRAIN Law,… Continue reading Buwis mula sa sweetened beverages, junk food, maaaring gamitin para sa food stamp program

Seguridad ng mga Pilipino, dapat tiyakin sa planong pagpapatuloy sa Pilipinas ng mga Afghan refugees — Sen. Go

Nais na matiyak ni Senador Christopher ‘Bong’ Go na hindi malalagay sa alanganin ang seguridad ng mga Pilipino sa anumang arrangement o kasunduan na papasukin ng ating gobyerno sa ibang bansa. Tinutukoy ng senador ang sinasabing plano na pahintulutang manatili pansamantala dito sa Pilipinas ang ilang Afghan refugees habang nagpoproseso sila ng immigration visa. Ayon… Continue reading Seguridad ng mga Pilipino, dapat tiyakin sa planong pagpapatuloy sa Pilipinas ng mga Afghan refugees — Sen. Go

Marcos administration, pananatilihin ang 5%-6% infrastructure spending sa GDP — NEDA

Tiniyak ng National Economic and Development Authority (NEDA) sa Asian investors na ipagpapatuloy ng gobyerno ang pagsasaprayoridad sa infrastructure development. Sa pagharap ng economic team sa Philippine Economic Briefing sa Singapore, binigyang-diin ni Socioeconomic Planning Secretary Arsenio Balisacan ang kahalagahan ng pamumuhunan at pagpopondo sa halos 200 Build-Better-More Infrastructure Flagship Projects ng administrasyong Marcos. Hinikayat… Continue reading Marcos administration, pananatilihin ang 5%-6% infrastructure spending sa GDP — NEDA

Pilipinas at Singapore, palalakasin ang special needs education

Pagtutulungan ng Pilipinas at Singapore ang pagpapatibay sa sistema ng edukasyon kabilang ang usapin ng special needs education. Sa pakikipagpulong ni Vice President Sara Duterte kay Singapore Second Minister of Education and Foreign Affairs Dr. Mohamad Maliki Osman, palalalimin ang kooperasyon ng dalawang bansa sa larangan. Ibinahagi ni VP Sara kay Minister Osman ang mga… Continue reading Pilipinas at Singapore, palalakasin ang special needs education

Tangkang pagpapasabog sa Cotabato, napigilan ng militar

Napigilan ng mga tropa ng Joint Task Force Central ang tangkang pagpapasabog sa Cotabato nang matagpuan nila ang isang improvised explosive device o IED kahapon ng umaga sa Sitio Proper, Inug-ug, Pikit, Cotabato. Natagpuan ang IED matapos rumesponde ang mga tropa sa ulat na may itinanim na pampasabog sa tabi ng barangay road sa naturang… Continue reading Tangkang pagpapasabog sa Cotabato, napigilan ng militar

Sec. Gatchalian: Handa at sapat ang tulong ng DSWD, para asistihan ang mga biktima ng pag-aalburuto ng bulkang Mayon

Tiniyak ni Social Welfare and Development Secretary Rex Gatchalian na handa at sapat ang tulong ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) para asistihan ang mga biktima ng pag-aalburuto ng bulkang Mayon, alinsunod sa direktiba kamakailan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. Sa pagbisita ng Pangulo sa Bicol kamakailan, inatasan nito ang mga kinauukulang… Continue reading Sec. Gatchalian: Handa at sapat ang tulong ng DSWD, para asistihan ang mga biktima ng pag-aalburuto ng bulkang Mayon