2,000 kabataan sa Tacloban City, nakatanggap ng ayuda sa tulong ng DSWD, Speaker’s Office at Tingog party-list

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nasa 2,000 kabataan ang nakatanggap ng tulong pinansyal sa pamamagitan ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) Program ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Sa pamamagitan ng Speaker’s Office at Tingog Party-list ay mabilis na naipalabas ang nasa P10 million na halaga ng financial assistance para sa mga mag-aaral.

Tig-P5,000 ang natanggap ng mga benepisyaryo.

Umaasa naman ang Office of the Speaker at Tingog Party-list na kahit papaano ay makatutulong ang cash aid sa mga estudyante sa pagbubukas ng paparating na school year o kaya naman ay panimulang puhunan para sa livelihood activity para sa kanilang pamilya.

Pagbibigay diin pa ni Rep. Yedda Romualdez sa mga magulang na bigyang importansya at prayoridad ang edukasyon ng kanilang mga anak. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us