Benepisyo para sa ‘junior citizens,’ ipinapanukala sa Kamara

Dalawang mambabatas ang naghain ng panukalang batas para bigyang benepisyo ang ‘junior citizens.’ Sa ilalim ng House Bill 92 ni Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers at House Bill 8312 ni Camarines Sur Rep. LRay Villafuerte na tatawaging Junior Citizens Act, ang mga batang edad 0 to 12 years old na ang pamilya ay… Continue reading Benepisyo para sa ‘junior citizens,’ ipinapanukala sa Kamara

31 repatriates mula sa Sudan, nakauwi na sa bansa

Balik bansa na ang may 31 repatriates o iyong mga Pilipinong nasagip ng pamahalaan buhat sa bansang Sudan. Lumapag sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1 ang naturang repatriates sakay ng Malaysia Airlines Flight MH806. Ayon sa Overseas Workers and Welfare Administration (OWWA), sinamahan ni Department of Migrant Workers (DMW) Labor Attaché Adam Musa… Continue reading 31 repatriates mula sa Sudan, nakauwi na sa bansa

EO No. 31 para sa institutionalization ng Philippine Open Government Partnership, inilabas ng Malacañang

Pirmado na ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Executive Order No. 31 para sa institutionalization ng Philippine Open Government Partnership,na mangangasiwa at magpapatupad ng commitment ng bansa, bilang isa sa founding member ng Open Government Partnership (OGP). Isa itong international partnership na layong siguruhin na ang National Action Plan (NAP) ng mga kasapi nito… Continue reading EO No. 31 para sa institutionalization ng Philippine Open Government Partnership, inilabas ng Malacañang

Awang Airport sa Cotabato City, posibleng mag-full operation na sa Agosto — CAAP

Nagpatupad ng limitadong operasyon ang Civil Aviation Authority of the Philippines o CAAP sa Awang Airport sa Cotabato City. Ito’y dahil sa mga nakitang bitak sa aspalto ng runway sa nasabing paliparan na peligroso para sa mga dumaraang eroplano roon. Ayon kay CAAP Spokesperson Eric Apolonio, naglabas sila ng Notice to Airmen o NOTAM hinggil… Continue reading Awang Airport sa Cotabato City, posibleng mag-full operation na sa Agosto — CAAP

Pamahalaan, pinalalakas pa ang kapabilidad laban sa online scammers

Kailangang patuloy na palakasin ang kapabilidad ng bansa sa paglaban sa scammers na gumagamit ng online platforms upang makapanloko ng publiko. Ayon kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. hindi lamang ang Pilipinas ang humaharap sa ganitong problema. Kasabay aniya ng pagbabago ng panahon ay ang pag-usbong rin ng makabagong teknolohiya at pamamaraan na ginagamit sa… Continue reading Pamahalaan, pinalalakas pa ang kapabilidad laban sa online scammers

67% ng mga kulungan sa bansa, nananatiling siksikan — COA

Malaking bilang ng mga bilangguan sa bansa na pinatatakbo ng BJMP ang siksikan pa rin at hindi nakakasunod sa UN standards ayon yan sa report ng Commission on Audit. Ayon sa COA, aabot sa 323 o 67% ng jail facilities ang congested na may katumbas na 2,739% occupancy rates. As of Dec 31, aabot rin… Continue reading 67% ng mga kulungan sa bansa, nananatiling siksikan — COA

Kauna-unahang Pinoy champion sa F1 Academy race, pinabibigyang pagkilala ng Kamara

Pinabibigyang pagkilala ng isang mambabatas ang unang Pilipino na nanalo sa Formula 1 Academy race. Sa inihaing House Resolution 1065 ni Calamba City Rep. Charisse Hernandez, sinabi nito na ang tagumpay ng 18-anyos na si Bianca Bustamante ay magsisilbing inspirasyon sa maraming kabataang Pilipino lalo na sa mga babae na nais pasukin ang karera na… Continue reading Kauna-unahang Pinoy champion sa F1 Academy race, pinabibigyang pagkilala ng Kamara

SEC, nagsampa na ng kaso sa isang korporasyon dahil sa pagpapakalat ng investment scam

Sinampahan na ng kaso ng Securities and Exchange Commission ang isang Petroleum Company na nagpapalaganap ng investment scam sa bansa. Ayon kay SEC Enforcement and Investor Protection Department Director Oliver Leonardo, sinampahan nila ng kaso ang kumpanyang Petromobil Corporation na lumabag sa SEC Regulation Code. Dagdag pa ni Leonardo, hindi awtorisado ang naturang kumpanya sa… Continue reading SEC, nagsampa na ng kaso sa isang korporasyon dahil sa pagpapakalat ng investment scam

Pilipinas, sisimulan nang makipag-ugnayan sa mga posibleng ‘co-investors’ at partners sa MIF

Sinisimulan nang makipag-ugnayan ng Pilipinas sa foreign partners at posibleng co-investors sa Maharlika Investment Fund. Ayon kay Ways and Means Committee Chair Joey Salceda, ngayon pa lamang ay kinakausap na ng Pilipinas ang mga posibleng makatuwang ng bansa para mapalago ang MIF kasunod na rin ng pagkakalagda ng dalawang lider ng Kapulungan sa enrolled bill.… Continue reading Pilipinas, sisimulan nang makipag-ugnayan sa mga posibleng ‘co-investors’ at partners sa MIF

DOLE, nakatakdang maglaan ng pondo para sa manggagawang naapektuhan ng pag-aalburoto ng Bulkang Mayon

Nakatakdang maglaan ng pondo ang Department of Labor and Employment para sa mga manggagawang naapektuhan ng pag-aalburoto ng Bulkang Mayon. Aabot sa P50 million na halaga ng pondo ang itu-turn over sa mga local government unit sa lalawigan ng Albay para sa mga manggagawang apektado ng Bulkang Mayon. Kaugnay nito, sinimulan na ng Department of… Continue reading DOLE, nakatakdang maglaan ng pondo para sa manggagawang naapektuhan ng pag-aalburoto ng Bulkang Mayon