Recovery flight ng Viet air na nagforce landing sa Laoag Airport, dumating na

VietJet Air

📸CAAP

Grupo ng mga abogado, ipinagtanggol si PAPA Sc. Larry Gadon sa pag disbar sa kanya ng Korte Suprema

Kinukwestyon ng grupo ng mga abogado ang disbarment ng Korte Suprema kay Presidential Adviser on Poverty Alleviation (PAPA) Secretary Larry Gadon.

Pagpapalakas ng operational capability ng PNP Special Action Force, tinalakay sa ginawang Regional Peace and Order Council meeting sa Sulu

Target ng Police Regional Office Bangsamoro Autonomous Region o PRO-BAR na palakasin pa ang pwersa ng kanilang Special Action Force sa lalawigan ng Sulu. Ito’y matapos ang nangyaring engkwentro sa bayan ng Maimbung nitong Sabado sa pagitan ng tropa ng pamahalaan at ng grupo ni Maimbung Vice Mayor Pando Mudjasan. Kahapon, nagkaroon ng Peace and… Continue reading Pagpapalakas ng operational capability ng PNP Special Action Force, tinalakay sa ginawang Regional Peace and Order Council meeting sa Sulu

Sec. Larry Gadon, tuloy ang trabaho bilang Presidential Adviser on Poverty Alleviation

Mananatiling Presidential Adviser on Poverty Alleviation si Secretary Larry Gadon. Ito ang inilabas na statement ng Palasyo sa pamamagitan ni Executive Secretary Lucas Bersamin kasunod ng ‘disbarment’ ng dating abugado. Ayon kay Bersamin, mananatiling bahagi ng administrasyon si Gadon at hindi hadlang ang disbarment nito para hindi magampanan ang trabahong ibinigay sa kanya ni Pangulong… Continue reading Sec. Larry Gadon, tuloy ang trabaho bilang Presidential Adviser on Poverty Alleviation

DILG, kampante sa kakayahan ng bagong hirang na BJMP Chief

Tiwala si DILG Secretary Benhur Abalos Jr. na kayang gampanan ni Jail Director Ruel Rivera ang pamamahala sa jail bureau. Pahayag ito ni Abalos, kasunod ng pagkakatalaga ni Rivera bilang isa nang full-fledged BJMP Chief. Dahil sa kanyang karanasan bilang career jail officer, kampante ang kalihim na lubos niyang magagamit ang kanyang awtoridad sa pag-usad… Continue reading DILG, kampante sa kakayahan ng bagong hirang na BJMP Chief

MMDA, nakatanggap ng pinakamataas na audit rating mula sa COA

Ikinatuwa ng Metropolitan Manila Development Authority o MMDA ang ‘unqualified opinion’ na natanggap ng ahensya mula sa Commission on Audit o COA matapos nitong ipresenta ang kanilang financial statement para sa taong 2022. Ito na ang ika-apat na magkakasunod na taon na nakatanggap ang MMDA ng ‘unqualified opinion’ mula sa COA. Ang unqualified opinion ang… Continue reading MMDA, nakatanggap ng pinakamataas na audit rating mula sa COA

DND, kinilala ang pagsasakripisyo ng mga Muslim sa pagtataguyod ng kapayapaan at kaayusan ng bansa

Nagpaabot ng pagbati ang Department of National Defense o DND sa lahat ng mga kapatid na Muslim sa bansa gayundin sa ibayong dagat. Ito’y kaalinsabay ng pagdiriwang ng Eid’l Adha o Feast of Sacrifice kung saan ginugunita ang ginawang pag-aalay ni Ibrahim sa kaniyang anak na si Ishmael kay Allah. Sa isang pahayag, sinabi ni… Continue reading DND, kinilala ang pagsasakripisyo ng mga Muslim sa pagtataguyod ng kapayapaan at kaayusan ng bansa

Finance Sec. Diokno, nais nang mawala ang POGO sa bansa

Naniniwala si Finance Sec. Benjamin Diokno na hindi na dapat pang mamalagi sa bansa ang Philippine Offshore Gaming Operators o POGOs. Sa Kapihan sa Manila Bay, sinabi ni Diokno na walang malaking epekto sa kita ng pamahalaan sakaling tuluyang matuldukan ang POGO sa bansa. Paliwanag ng opisyal, mas malaki ang “reputational risk” sa bansa ng… Continue reading Finance Sec. Diokno, nais nang mawala ang POGO sa bansa

Philippine Customs Lab, planong buhayin ng BOC

Planong buhayin ng Bureau of Customs o BOC ang operasyon ng Philippines Customs Laboratory o PCL. Ito ay para sa mas maayos at tamang “analysis” ng mga produktong-kemikal na pumapasok sa ating bansa, at upang matukoy ang nararapat na buwis para sa mga imported na produkto. Ayon kay BOC Commissioner Bienvenido Rubio, ang pagbuhay sa… Continue reading Philippine Customs Lab, planong buhayin ng BOC

500 sambahayan mula sa Bulacan. nagtapos na sa 4Ps

Aabot sa 562 benepisyaryo ng DSWD sa Plaridel, Bulacan ang nagtapos na sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps. Pinangunahan ni DSWD Sec. Rex Gatchalian at Plaridel Mayor Jocell Aimee Vistan-Casaje ang Pugay Tagumpay ceremonial graduation ng mga ito sa Don Caesareo San Diego, Brgy. Poblacion, bilang pagkilala sa mga pamilyang natulungan ng ahensya. Sa… Continue reading 500 sambahayan mula sa Bulacan. nagtapos na sa 4Ps