Magkakahanay sa Top 1 spot sina Malabon Mayor Jeannie Sandoval, Caloocan City Mayor Along Malapitan, at Navotas City Mayor John Rey Tiangco bilang Top Performing First-Term City Mayors, batay sa independent at non-commissioned survey ng RP-Mission and Development Foundation Inc. (RPMD).
Kapwa nakakuha ang mga alkalde ng pinakamataas na job approval rating na umabot sa higit 91%.
Kasama rin nila sa Top 1 spot ang alkalde ng Candon City, Ilocos Sur na si Mayor Eric Singson.
Ayon sa RPMD, lumalabas sa survey na naipamalas ng mga first-term city mayors ang kanilang mahusay na liderato at epektibong pamamahala.
Kaugnay nito, nasa ikalawang pwesto naman sina Cavite Mayor Denver Chua at Ozamis Mayor Indy Oaminal Jr.
Apat na alkalde naman ang magkakahanay sa ikatlong spot na sina Tagaytay Mayor Bambol Tolentino, Ormoc Mayor Lucy Torres, Legaspi Mayor Geraldine Rosal, at Santiago Mayor Sheena Tan.
Ang naturang survey ay bahagi ng national poll “RPMD’s Boses ng Bayan” na isinagawa mula February 28 hanggang March 8 kung saan nasa 10,000 registered voters ang respondents na mula sa iba’t ibang syudad at rehiyon. | ulat ni Merry Ann Bastasa