NCRPO, kinondena ang pamamaril sa isang mamamahayag at kanyang pamilya sa QC

Mariing kinokondena ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang nangyaring pamamaril sa isang photojournalist at pamilya nito sa Barangay Masambong sa Quezon City. Ang pahayag ay inilabas matapos pagbabarilin ng hindi pa nakikilang mga suspek ang photojournalist ng pahayagang Remate na si Joshua Abiad at tatlong kaanak nito sa harap ng kanilang bahay. Sa… Continue reading NCRPO, kinondena ang pamamaril sa isang mamamahayag at kanyang pamilya sa QC

Bulkang Taal, nagtala ng 2 phreatic bursts

Patuloy pa rin sa pag-aalburoto ang Bulkang Taal sa Batangas. Sa 24-hour monitoring ng PHIVOLCS, umabot sa dalawang phreatic bursts ang naitala mula sa main crater ng Bulkang Taal. May na-monitor ding siyam na volcanic earthquakes kabilang ang limang volcanic tremors sa bulkan na tumagal ng dalawang minuto. Aabot naman sa 7,480 na toneladang sulfur… Continue reading Bulkang Taal, nagtala ng 2 phreatic bursts

India, nanawagan sa China na sundin ang 2016 Arbitral Ruling sa South China Sea

Nanawagan ang bansang India sa China na sundin ang arbitral ruling na naipanalo ng Pilipinas hinggil sa pinag-aagawang teritoryo sa South China Sea. Ito ay matapos ang naging 5th India-Philippines Joint Commission on Bilateral Cooperation sa New Delhi, India kung saan parehong co-chair sina Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo at Indian External Minister Dr. S.… Continue reading India, nanawagan sa China na sundin ang 2016 Arbitral Ruling sa South China Sea

LTO, nagsagawa ng Regional Directors’ Conference

Nagsawa ng Regional Directors’ Conference ang bagong liderato ng Land Transportation Office (LTO) upang pagpulungan ang mga hinaharap na isyu sa transport sector at kung paano ito matutugunan. Pinangunahan nina LTO Officer-in-Charge (OIC) Assistant Secretary Hector Villacorta at LTO OIC Executive Director Esteban Baltazar Jr. ang dalawang araw na conference na isinagawa sa LTO main… Continue reading LTO, nagsagawa ng Regional Directors’ Conference

Antas ng tubig sa Angat Dam, patuloy ang pagbaba

Patuloy pa ring natatapyasan ang lebel ng tubig sa Angat Dam. Batay sa update ng PAGASA Hydrome­teorology Division, kaninang alas-6 ng umaga ay bumaba pa sa 182.65 meters ang lebel ng tubig sa dam, malayo na sa normal high water level nitong 210 meters. Higit dalawang metro na lang din ang agwat nito sa minimum… Continue reading Antas ng tubig sa Angat Dam, patuloy ang pagbaba

Ibinebentang murang bigas sa Kadiwa, walang subsidiya mula sa gobyerno — DA

Binigyang linaw ng Department of Agriculture (DA) na wala itong ibinibigay na subsidiya sa grupo ng mga magsasaka sa Nueva Ecija na nagbebenta ng murang bigas sa Kadiwa. Ayon kay DA Assistant Secretary Kristine Evangelista, ang ₱25 kada kilo na bentahan ng bigas ay presyo mismo ng mga magsasaka na nagdadala ng bigas sa Kadiwa.… Continue reading Ibinebentang murang bigas sa Kadiwa, walang subsidiya mula sa gobyerno — DA

Pananambang sa isang mamamahayag sa QC, kinondena ni Mayor Joy Belmonte

Mariing kinondena ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang nangyaring pamamaril sa Brgy. Masambong kung saan biktima ang isang mamamahayag. Sugatan ang photojournalist ng Remate Online na si Joshua Abiad matapos pagbabarilin ang sinasakyan niyang SUV sa tapat ng kanyang bahay kung saan kasama rin sa nadamay ang kanyang dalawang pamangkin. Sa isang pahayag, sinabi… Continue reading Pananambang sa isang mamamahayag sa QC, kinondena ni Mayor Joy Belmonte

Ilang manggagawa sa QC, naliliitan sa inaprubahang ₱40 umento sa minimum wage sa NCR

Bagamat good news para sa mga manggagawa ang naaprubahang dagdag sa minimum wage sa National Capital Region (NCR), aminado ang mga ito na maliit ang ₱40 na umento. Matatandaang inanunsyo ng Department of Labor and Employment (DOLE) na inaprubahan ng NCR Regional Tripartite Wages and Productivity Board ang panibagong dagdag-sahod kung saan mula ₱570, ay… Continue reading Ilang manggagawa sa QC, naliliitan sa inaprubahang ₱40 umento sa minimum wage sa NCR

Albay solon, nababahala sa posibilidad ng lahar flow sa Mayon

Nababahala si Albay 2nd District Representative Joey Salceda na posibleng lumala ang sitwasyon sa Albay dahil sa lahar flow. Ang pangamba ng mambabatas ay kasunod na rin ng anunsyo ng PAGASA na mayroong tatlo hanggang apat na bagyo na posibleng tumama sa bansa sa Hulyo. Punto ni Salceda kung magdala ang naturang mga bagyo ng… Continue reading Albay solon, nababahala sa posibilidad ng lahar flow sa Mayon

DMW, nakapagpaalis ng nasa 105 caregivers patungong Japan

Nasa 105 na caregivers ang nabigyan ng trabaho ng Department of Migrant Workers (DMW) na tutungo sa bansang Japan. Ayon sa DMW, ang naturang deployment ng caregivers ay sa ilalim ng Japan-Philippines Economic Partnership Agreement (JPEPA) upang mas mapaigting pa ang people-to-people exchange at ang pagpagpapalakas ng ekonomiya ng dalawang bansa. Ayon sa DMW, kanilang… Continue reading DMW, nakapagpaalis ng nasa 105 caregivers patungong Japan