32,000 litro ng inuming tubig kada araw mula sa BRP Andres Bonifacio, pakikinabangan ng mga evacuees sa Albay

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ibinida ng Naval Forces Southern Luzon (NAVFORSOL) na kaya ng BRP Andres Bonifacio (PS17) na mag-suplay ng 32,000 litro ng inuming tubig mula sa kanyang desalination system, na sapat sa pangangailangan ng mahigit isang libong pamilya sa mga evacuation center.

Ang BRP Andres Bonifacio na nasa operational control ng NAVFORSOL ay idineploy sa Albay matapos siguruhin ni Department of National Defense (DND) Secretary Gilbert Teodoro sa Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na magpapadala sa lalawigan ang Philippine Navy ng mga barko na may kakayahang mag-convert ng tubig dagat sa inuming tubig.

Para ipakita na ligtas ang tubig na mula sa desalination system ng BRP Andres Bonifacio, nagsagawa ng “ceremonial drinking of water” sina NAVFORSOL Commander Commodore Joe Anthony Orbe, Task Force SAGIP Commander Brigadier General Jaime Abawag Jr., at Albay Governor Edcel Lagman Jr.

Ayon sa NAVFORSOL, bukod sa pagsusuplay ng inuming tubig, ang BRP Andres Bonifacio ang magsisilbing Mobile Command and Control Center ng pamahalaang panlalawigan kung itaas ang alert level ng Bulkang Mayon at magkaroon ng malawak na kapinsalaan sa kalupaan. | ulat ni Leo Sarne

📸: NAVFORSOL

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us