Mino-monitor ngayon ng PNP ang aktibidad ng 48 Private Armed Group (PAG) na maaaring magamit sa darating na Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).
Ayon kay PNP Chief Police General Benjamin Acorda Jr., bahagi ito ng paghahanda ng PNP para sa pagpapatupad ng seguridad sa halalan sa Oktubre 30.
Batay sa datos ng PNP, may kabuuang bilang na 200 ang mga miyembro ng PAG, na may 400 armas.
Bukod sa PAG, binabantayan din ng PNP ang kilos ng mga teroristang komunista, at mga kriminal na grupo na maaring magsilbi bilang “goons” ng mga politiko.
Samantala, iniulat ni Gen. Acorda na lagpas na sa 12 libong armas ang narekober, at 3,700 nag-iingat ng loose firearms ang naaresto ng PNP mula Enero 1 hanggang Hunyo 3 ng taong kasalukuyan. | ulat ni Leo Sarne