6 na Chinese National, arestado dahil sa iligal na pagbebenta ng pampalaglag

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kinumpirma ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang pagkakaaresto ng may anim na Chinese national at kasabwat nitong Pilipino, sa ikinasang operasyon sa Brgy. Tambo, Parañaque City.

Ayon kay NCRPO Director, Police Major General Edgar Alan Okubo, ito ay resulta ng isang linggong surveillance ng kanilang Regional Intelligence Division na siyang nagkasa ng buy-bust operations.

Sinabi ni Okubo, nag-ugat ang operasyon sa tip ng isang confidential informant na dumulog sa kanila hinggil sa sinasabing iligal na panggagamot at pagbenenta ng abortion pills ng mga dayuhan.

Una rito, nagpanggap na poseur buyer ang isang Pulis at nang magpositibo ito ay agad na sinalakay ang hideout ng mga ito sabay pagdakip sa mga akusado.

Nakumpiska mula sa mga suspek ang iba’t ibang abortion pills tulad ng Mifepristone, Cefixime Dispersible, Golden Throat Lozenge at Metronidazole Tablets

Kasalukuyang nasa kustodiya pa rin ng NCRPO ang mga suspek, upang sumailalim sa masusing imbestigasyon habang isinasampa ang kaso laban sa kanila. | ulat ni Jaymark Dagala

📸: NCRPO

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us