Naglunsad ang Estados Unidos sa pamamagitan ng United States Agency for International Development (USAID) ng tatlong rural internet network sa Butuan City, bilang bahagi ng pagdiriwang ng National Information and Communications Technology (ICT) Month.
Sa pamamagitan ng proyekto, nagkaroon ng access sa internet sa unang pagkakataon ang 600 magsasagakang miymebro ng KM7 Farmers Producers Cooperative (KFPC) sa Sitio Kauswagan, Sitio San Roque, at Sitio Tud-ol sa Butuan City.
Ito ay sa pamamagitan ng pag-deploy ng tatlong satellite terminals na nagkakahalaga ng P355,000, sa tulong ng Kacific Broadband Satellites at local internet service provider Stellars, at Solutions, Inc.
Ang proyekto ay bahagi ng limang taong programa ng USAID na “Better Access and Connectivity” (BEACON) na nagkakahalaga ng P1.65 bilyong.
Layon ng programa na magtayo ng mga “community internet network” sa mga liblib at mararalitang lugar sa bansa, kung saan nauna nang nabiyayaan ang mga lalawigan ng Quezon at Aurora. | ulat ni Leo Sarne