Nasabat ng mga tropa ng Naval Forces Western Mindanao (NFWM) ang anim na libong sako ng hindi dokumendtadong bigas na karga ng motorized vessel (MV) Katrina V sa karagatan ng Bongao, Tawi-Tawi.
Natagpuan ang bigas nang magsagawa ng regular na safety inspection ang NFWM sa MV Katrina, habang nagpapatrolya sa bisinidad ng Papahag Island, Tawi-Tawi.
Ang natagpuang tig-25 kilong sako ng bigas na may markang “Royal Pearl AAA” ay may kabuuang halaga na 12.7 milyong piso.
Kasunod nito, ineskortan ng mga tropa ang MV Katrina V at kanyang crew sa Chinese Pier sa Bongao, Tawi-Tawi.
Sa ngayon, nasa kustodiya na ng mga otoridad ang crew ng MV Katrina V, habang itinurn over sa Bureau of Customs (BOC) ang nakumpiskang sako-sako ng bigas. | ulat ni Leo Sarne
📷: NFWM