Binisita ni Armed Forces of the Philippine (AFP) Chief of Staff Gen. Andres Centino ang Mavulis Island, sa Batanes para kumustahin ang mga tropa na nagbabantay sa dulong-hilagang teritoryo ng bansa.
Dito’y pinangunahan ni Gen. Centino ang flag-raising ceremony sa “sovereignty marker”, kasama ang senior staff officers at mga tropa ng Philippine Navy detachment sa isla.
Binisita din ni Gen. Centino ang “Fishermen’s Shelter” na itinayo ng AFP sa isla ilang taon na ang nakalipas.
Mula sa Mavulis island, nagtungo si Gen. Centino sa naval detachment sa Itbayat at headquarters ng the 10th Marine Company sa Basco para bisitahin ang mga tropa.
Sa kanyang “talk to the troops” pinasalamatan ni Gen. Centino ang mga sundalo sa matapat na pagtataguyod ng soberenya ng bansa sa mga “remote location”, kasabay ng pagtiyak ng karagdagang suporta mula sa General Headquarters.
Matapos mag-ikot sa lalawigan, nag-overnight si Gen. Centino kasama ang senior officers ng General Headquarters at Northern Luzon Command sa BRP Tarlac (LD601). | ulat ni Leo Sarne
📷: PFC Carmelotes/PAO, AFP