Aksyon laban sa mga abusadong online lending agency, tiniyak ng PNP-ACG

Facebook
Twitter
LinkedIn

Patuloy ang case-build up ng PNP Anti-Cybercrime Group (ACG) laban sa mga abusadong online lending agency.

Ito ang tiniyak ni Police Colonel Armel Gongona, Deputy Director for Administration ng PNP-ACG, matapos na dumulog sa kanilang tanggapan ang mga kinatawan ng mga biktima ng online lending operations.

Kasama sa mga grupong nakipag-dayalogo sa ACG ang United OLA Victims Movement; Petition to Stop Loan Sharks; Victims of Online Lending Apps Harrasment at iba pa.

Kwento nila, sobra kung makapang-harrass ang mga lending app na maliban sa pagbibitiw ng masasamang salita ay may ilan pang nagbabanta sa buhay.

Panawagan nila sa ACG, paigtingin ang kampanya laban sa online lending para masawata ang pagsasamantala ng mga ito sa mga biktima.

Sinabi naman ni Col. Gongona, sa oras na makakuha sila ng warrant sa korte ay maglulunsad sila ng operasyon laban sa mga abusadong online lending operations. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us