Anti-drug campaign na BIDA Program ng DILG, umarangkada sa Pola, Oriental Mindoro

Facebook
Twitter
LinkedIn

Dinala ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang anti-drug campaign nito na Buhay Ingatan, Droga’y Ayawan o BIDA Program sa Pola, Oriental Mindoro.

Nagsagawa ng feeding program sa lokal na pamahalaan at namahagi ng mga tsinelas sa mga Mangyan.

Nasa 250 mga Mangyan ang nakatanggap ng BIDA slippers, habang 520 na daycare pupils ang nabigyan ng pagkain.

Nagsagawa rin ng BIDA Fun Run at Zumba activity na dinaluhan ng nasa 500 runners.

Mismong si DILG Secretary Benjamin Abalos, Jr. ang nanguna sa programa kasama si Pola Mayor Jennifer Cruz.

Sa talumpati ng kalihim, sinabi ni Abalos na ang BIDA Program ay mas pinaigting na kampanya laban sa ilegal na droga kung saan kasama ang lahat ng sector, na layong masawata ang droga sa mga komunidad sa tulong na rin ng pagpapatupad ng mga batas.

Ani Abalos, hindi lamang ang Philippine National Police, Philippine Drug Enforcement Agency, at iba pang mga ahensya ang dapat magtulong-tulong kundi lahat ng sektor ay may tungkulin sa pagsugpo ng ilegal na droga sa mga komunidad. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us