Pormal nang nailipat sa Ninoy Aquino International Airport o NAIA Terminal 3 ang may apat na foreign airlines mula sa dating NAIA Terminal 1 kahapon.
Ito’y bilang bahagi ng ipinatutupad na bagong Terminal Assignment ng Manila International Airport Authority o MIAA na layong mabalanse ang bilang ng mga pasahero at para ma-decongest ang NAIA Terminal 1.
Kabilang sa mga inilipat sa Terminal 3 ay ang Gulf Air, Thai Airways, Ethiopian Airlines at JeJu Air na pawang dating naka-assign sa Terminal 1 ng NAIA.
Pagtitiyak naman ng pamunuan ng MIAA, may naka-standby silang mga shuttle bus sa Terminal 1 at Terminal 3 para sa mga pasaherong maliligaw ng terminal na pupuntahan.
Magugunitang nito lamang Abril nang ilipat na rin sa Terminal 3 ang iba pang foreign carriers tulad ng China Southern, Jetstar, Scoot at Starlux.
Simula naman sa Hunyo 16, lilipat na rin sa Terminal 1 ang flag carrier ng bansa na Philippine Airlines mula sa Terminal 2 na siyang magho-host para sa lahat ng domestic fights | ulat ni Jaymark Dagala