ARTA, pinuri ang bagong pasilidad para sa taxpayers ng Malabon LGU

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinuri ng Anti-Red Tape Authority (ARTA) ang pagbubukas ng Taxpayers Lounge o ang bagong pasilidad ng Malabon City Local Govt para sa mga taxpayer sa lungsod.

Pinangunahan ni Malabon Mayor Jeannie Sandoval at ARTA Dir Gen. Sec. Ernesto Perez ang pagpapasinaya sa Taxpayers Lounge ikatlong palapag ng City Treasury, BPLO Assessor Local Bldg.

Dito matatagpuan ang Business One Stop Shop (BOSS) kung saan mas mabilis na at transparent ang pakikipagtransaksyon sa City Hall.

Ayon kay Mayor Jeannie Sandoval, bukod sa pagpapaganda sa pasilidad ay puspusan rin ang pagsasaayos sa sistema ng LGU at pagtutulak ng ease of doing business upang mas mahikayat ang taxpayers na magbayad ng buwis at dumami ang maging interesado na mamuhunan sa lungsod.

Sa panig ng ARTA, sinabi naman ni ARTA Dir Gen. Sec. Ernesto Perez na nakakabilib ang inisyatibong ito ng LGU.

Dagdag pa nito, isang hakbang na lang ang kailangan ng Malabon LGU para makamit ang full compliance sa Electronic business one-stop shop. | ulat ni Merry Ann Bastasa

📷: Malabon LGU

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us