Bagong modular treatment plant ng Maynilad sa Cavite, operational na ngayong buwan

Facebook
Twitter
LinkedIn

Target ng West Zone concessionaire Maynilad Water Services, Inc. (Maynilad) na masimulan na ang operasyon ng bago nitong modular treatment plant (ModTP) sa Imus, Cavite ngayong buwan.

Ayon sa Maynilad, oras na maging operational na ito ay magpo-produce ito ng may inisyal na 5.5 milyong litro ng inuming tubig kada araw.

Ang naturang treatment plant ay kukuha ng raw water supply mula sa Anabu River.

Paliwanag pa nito, ang ₱2.12-billion Anabu ModTP ay magsisilbing dedicated supply source para sa mga customer nito sa Imus.

Ang initial output na 5.5 MLD ay sapat na para sa pangangailangang tubig ng may mahigit 13,000 customers sa lugar.

Pero oras na maging fully operational ang Anabu ModTP sa katapusan ng taong ito, ay maaari pa aniya itong umakyat sa 16 MLD na kayang suplayan ng tubig ang may 114,000 customers. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us