Bagong PSA Civil Registry System Office, binuksan sa Parañaque City

Facebook
Twitter
LinkedIn

Bukas na ang bagong Civil Registry System outlet ng Philippine Statistics Authority (PSA) sa Ayala Malls Manila Bay sa Parañaque City.

Dito, mas mapadadali at magiging maginhawa na ang pagkuha ng mga mahahalagang dokumento ng mga residente sa Parañaque, gayundin ang mga residente mula sa mga karatig lungsod.

Ayon kay Parañaque Local Civil Registrar Johanna Nemenzo, maaari na ring makuha sa nasabing tanggapan ang mga dokumento tulad ng birth certificate, marriage certificate, death certificate at CENOMAR.

Bukod sa PSA office, matatagpuan din sa Ayala Malls Manila Bay ang ELO Center ng lungsod na siyang One-Stop Shop ng mga serbisyong hatid ng lokal na pamahalaan, gaya ng pagbabayad ng amilyar, pagkuha ng business permits, police clearance, at iba pa.

Sa panig naman ng lokal na pamahalaan, nagpasalamat si Parañaque City Mayo Eric Olivarez sa PSA sa pagtatalaga ng sangay nito sa kanilang lungsod. | ulat ni Jaymark Dagala

📸: Parañaque PIO

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us