Suportado ni House Committee on Tourism Chair at Romblon Representative Eleandro Jesus Madrona ang bagong tourism slogan ng Department of Tourism (DOT).
Aniya, mas may lalim ang kahulugan ng bagong slogan na “Love the Philippines” dahil sa tumatagos aniya ito sa puso ng bawat Pilipino.
Ipinapakita at ipinamamalas kasi aniya nito ang pagiging hospitable, magalang, at maasikaso ng mga Pilipino sa mga lokal at banyagang turista.
Katunayan, maliban sa mismong tourist spots at ‘fun and adventure’, isa sa binabalik-balikan ng mga turista ay ang mga katangiang ito ng mga Pilipino. | ulat ni Kathleen Jean Forbes