“Keep calm and LOVE the Philippines.”
Ito ang payo ni Deputy Speaker Duke Frasco sa magkakaibang reaction at pagtanggap sa bagong tourism promotion video na inilabas ng Department of Tourism (DOT).
Sa kaniyang social media post sinabi ni Frasco na “opening salvo” pa lang ang inilabas na tourism ad campaign para sa Pilipinas.
Dagdag pa nito, tulad ng anomang ad campaign, may iba pang mga video na ilalabas dahil hindi lang naman aniya ito pang-isang araw.
Bukod dito ang inisyal na video campaign ay pasilip lamang sa kung bakit ‘mamahalin ang Pilipinas’.
“The initial video promoting the PH [Philippines] gives the world a glimpse of the many reasons to Love the Philippines. Just like any campaign, this ad campaign is not just for one day nor does it consist of just one singular video. Opening salvo pa ni Bai. Dili pa ni ang miting de avance. [Opening salvo pa lang ito. Hindi pa ito miting de avance] More to Come. Keep calm and LOVE the Philippines,” ani Frasco.
Si Deputy Speaker Frasco ay asawa ni Tourism Secretary Christina Frasco. | ulat Kathleen Jean Forbes