Bahay sa Cebu City, tinangay ng gumuhong lupa, 45 indibidwal inilikas

Facebook
Twitter
LinkedIn

Isang bahay ang nasira matapos matangay ng gumuhong lupa sa Sito Upper Cantipla, Brgy. Sudlon II, isang bukirang barangay sa lungsod ng Cebu.

Ayon kay Ramil Ayuman, special assistant ni Cebu City Mayor Michael Rama, ang nasirang bahay ay pagmamay-ari ni Junel Borres.

Dagdag pa ni Ayuman na maliban sa nasirang bahay, pinangangambahan ring maapektuhan ang siyam pang mga kabahayan kapag magpatuloy ang paggalaw ng lupa sa nasabing lugar.

Agad namang rumesponde ang kinauukulan mula sa Brgy. Sudlon II pati na rin ang taga-Cebu City Disaster Risk Reduction and Management Office (CCDRRMO) sa lugar.

Agad na pinalikas ang 45 indibidwal na apektado ng landslide at kinordon na rin ng taga CCDRRMO ang lugar.

Wala namang napaulat na nasaktan o nasawi sa nasabing insidente.

Napag-alaman na hatinggabi palang ng Hunyo 26 ay nagbigay na ng abiso ang barangay-based responders ng Sudlon II sa mga residente matapos namataan ang bitak ng lupa malapit sa pamamahay ni Borres. | ulat ni Angelie Tajapal | RP1 Cebu

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us