Mga senador, umapelang huwag nang pansinin ang pang-iintriga sa liderato ni Senate President Zubiri

Nakiusap ang ilang mga senador na tigilan na ang pang-iintriga tungkol sa pagpapalit ng senate leadership. Ayon kay Senadora Imee Marcos, wala namang nakarating sa kanya na ganitong impormasyon. Sinabi ni Marcos na dapat nang tigilan ang intriga at maraming trabahong dapat mas pagtuunan ng pansin. Umapela rin si Senadora Nancy Binay na huwag nang… Continue reading Mga senador, umapelang huwag nang pansinin ang pang-iintriga sa liderato ni Senate President Zubiri

Mahigit P5-M halaga ng ari-arian, naabo sa sunog sa Makati City

Ayon sa BFP, pawang gawa sa light materials ang mga naapektuhang kabahayan kaya’t madaling kumalat ang apoy.

INSPIRE Program ng DA, namigay ng 120 baboy sa Lipa hog raisers sa Batangas

Abot sa 120 alagaing baboy ang ipinamigay ng Department of Agriculture (DA) sa apat na kooperatiba sa Lipa City, Batangas. Ginawa ito sa ilalim ng Integrated National Swine Production Initiatives for Recovery and Expansion (INSPIRE) Program ng DA. Binigyan ng tig-30 breeder stocks ang Buklod ng Cumba Multi-Purpose Cooperative, L7 Livestock Agriculture Cooperative, Sto. Toribio… Continue reading INSPIRE Program ng DA, namigay ng 120 baboy sa Lipa hog raisers sa Batangas

Iba’t ibang aktibidad, inilunsad sa lungsod ng San Juan bilang pagdiriwang sa Wattah Wattah Festival

Naglatag ng mga bagong aktibidad ang lokal na pamahalaan ng San Juan kapalit ng nakagawiang Wattah Wattah Festival sa lungsod ngayong linggo. Matatandaang kinansela ang tradisyunal na basaan sa nasabing festival dahil sa nagbabadyang El Niño sa bansa. Kabilang sa mga aktibidad ang bloodletting activity, libreng medical consultation at feeding program. Pinangunahan din ni San… Continue reading Iba’t ibang aktibidad, inilunsad sa lungsod ng San Juan bilang pagdiriwang sa Wattah Wattah Festival

Nangyaring bakbakan sa pagitan ng militar at mga miyembro ng MILF sa Maguindanao nitong Hunyo, pinaiimbestigahan sa Senado

Isinusulong ni Senador Robin Padilla na maimbestigahan sa senado ang nangyaring engkwentro sa pagitan ng tropa ng pamahalaan at mga miyembro ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa Datu Paglas, Maguindanao nitong June 18. Sa inihaing Senate Resolution 664 ni Padilla, iginiit nitong dapat maging malinaw kung may naging paglabag sa peace process sa naging… Continue reading Nangyaring bakbakan sa pagitan ng militar at mga miyembro ng MILF sa Maguindanao nitong Hunyo, pinaiimbestigahan sa Senado

Mga senador, itinanggi ang impormasyong may planong mapalitan si Senate President Juan Miguel Zubiri bilang pinuno ng Mataas na Kapulungan

Pinabulaanan ng mga senador ang ugong ugong na may mga nagbabalak na palitan ang liderato ni Senate President Juan Miguel Zubiri sa Senado. Ayon kay Senate Deputy Majority Leader JV Ejercito, kuntento ang mga senador sa pamumuno ni Zubiri. Sa opinyon rin ni Ejercito, mahirap palitan si SP Migz kaya naman sa kanyang palagay ay… Continue reading Mga senador, itinanggi ang impormasyong may planong mapalitan si Senate President Juan Miguel Zubiri bilang pinuno ng Mataas na Kapulungan

PNP, nagpaabot ng pakikiramay sa pamilya ng nasawing SAF trooper sa nangyaring bakbakan sa Sulu nitong weekend

Ipinagluluksa ng Philippine National Police (PNP) ang pagkasawi ng isang miyembro ng kanilang Special Action Force (SAF), na nasawi habang ginagampanan ang kaniyang tungkulin para sa bayan. Ito ay matapos sumiklab ang bakbakan sa pagitan ng mga puwersa ng pamahalaan at ng kampo ni dating Maimbung Vice Mayor Pando Mudjasan. Ayon kay PNP Public Information… Continue reading PNP, nagpaabot ng pakikiramay sa pamilya ng nasawing SAF trooper sa nangyaring bakbakan sa Sulu nitong weekend

Resolusyon para sa suspensyon sa prangkisa ng Cebu Pacific, pormal na inihain sa Kamara

Naghain na si Cagayan de Oro City 2nd District Representative Rufus Rodriguez ng resolusyon upang pormal na hingin sa Kongreso na suspindihin ang legislative franchise ng Cebu Pacific dahil sa aniya ay ‘terrible’ service nito. Sabado nang ihain ng mambabatas ang House Resolution 1101, kung saan ipinunto nito na ang ibinibigay na prangkisa ng kongreso… Continue reading Resolusyon para sa suspensyon sa prangkisa ng Cebu Pacific, pormal na inihain sa Kamara

Sen. Tolentino, iminumungkahing i-quarantine sa isang lugar ang Afghan nationals na hinihiling na pansamantalang patuluyin sa Pilipinas

Suhestiyon ni Senador Francis Tolentino, i-quarantine o panatilihin lang sa isang lugar ang mga Afghan national ng dalawa hanggang tatlong buwan sakaling payagan sila dito sa bansa magproseso ng kanilang US special immigration visa. Nanindigan si Tolentino, na walang masama kung sasang-ayon ang Pilipinas na patuluyin pansamantala ang Afghan nationals na ito. Paliwanag ng senador,… Continue reading Sen. Tolentino, iminumungkahing i-quarantine sa isang lugar ang Afghan nationals na hinihiling na pansamantalang patuluyin sa Pilipinas

MIAA, hiniling sa Pasay LGU na payagan silang akuin ang pagtitiyak ng seguridad sa inabandonang Philippine Village Hotel

Hiniling ng pamunuan ng Manila International Airport Authority (MIAA) sa Pamahalaang Lungsod ng Pasay na payagan silang i-take over ang pagpapanatili ng seguridad ng inabandonang Philippine Village Hotel. Sa liham na ipinadala ni MIAA Officer-In-Charge Brian Co kay Pasay City Mayor Emi Calixto-Rubiano, nababahala sila sa seguridad ng inabandonang gusali ng Philippine Village Hotel dahil… Continue reading MIAA, hiniling sa Pasay LGU na payagan silang akuin ang pagtitiyak ng seguridad sa inabandonang Philippine Village Hotel