Basta! Run Against Torture, inilunsad

Facebook
Twitter
LinkedIn

Bilang paggunita sa UN International Day in Support of Victims of Torture tuwing June 26, inilunsad ngayon ng iba’t ibang grupo ang kampanyang Basta! Run Against Torture (BRAT XIII), para itaas ang kamalayan ng publiko sa usapin ng torture na nangyayari pa rin sa mga kulungan at custodial centers.

Pinangunahan ito ng Association for the Prevention of Torture (APT) at Task Force Detainees of the Philippines (TFDP) sa pakikipagtulungan ng Commission on Human Rights of the Philippines (CHRP).

Alas-6:30 ng umaga, sinimulan ng grupo ang sabay-sabay na pagtakbo sa Quezon City Hall Risen Garden hanggang sa liwasang Pepe Diokno sa tanggapan ng Commission on Human Rights (CHR) sa Commonwealth Avenue kung saan magkakaroon ng solidarity program.

Ngayong taon, partikular na ikinakampanya ang pagiging ligtas ng sinuman kapag sila ay nasa kustodiya ng law enforcers.

Kasama rin sa nakitakbo ngayong umaga ang ilang tauhan ng Philippine National Police.

Itinutulak nito ang kolaborasyon sa pagitan ng Department of Justice (DOJ), Department of Interior and Local Government (DILG) at partner civil society organizations upang maitaguyod ang torture prevention mechanisms sa mga detention.

“This will also be an opportunity for all stakeholders, such as the CHR, DOJ, DILG, Philippine National Police, and partner civil society organizations to push for an action plan for Safe in Custody in the Philippines with the support from the APT,” ayon sa tagapagsalita. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us