Bicol solons, umapela sa Senado na ipasa na ang panukala para sa pagtatatag ng permanent evacuation centers sa buong bansa

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kapwa nanawagan sina Ako Bicol Party-list Representative Elizaldy Co, at Albay 2nd District Representative Joey Salceda sa mga senador na kagyat aksyonan ang panukalang pagtatayo ng permanent evacuation centers sa buong bansa sa pagbabalik sesyon sa Hulyo.

Ayon kay Co, lalong nabigyang diin ang kahalagahan ng pagkakaroon ng maayos at permanenteng evacuation centers dahil na rin sa pag-aalburoto ng bulkang Mayon.

Panahon na aniyang mahinto ang paggamit sa mga paaralan bilang lugar ng paglilikas dahil hindi naman ito angkop sa pangangailangan ng mga evacuees.

“The approval of this bill is of paramount importance in safeguarding the lives and well-being of our communities. The traditional practice of utilizing public schools as evacuation centers falls short in providing the necessary facilities to accommodate evacuees effectively. We must prioritize the safety of our people without compromising their education,” diin ni Co.

Naniniwala naman si Salceda na mas magiging maayos ang pagtugon ng mga lokalidad sa anoman uri ng kalamidad kung mayroon nang maayos na istruktura na pansamantalang magiging kanlungan ng mga lumilikas.

“The establishment of these evacuation centers will enhance our preparedness and resilience in the face of environmental challenges. We must prioritize the approval of this bill to provide the necessary infrastructure that can adequately support our communities during calamities,” paliwanag ni Salceda.

Sa kasalukuyan, napagtibay na ng Kamara ang panukalang pagtatatag ng evacuation centers sa lahat ng bayan at munisipalidad sa bansa at nakabinbin naman sa Senado.

Sa ilalim nito, magtatayo ng disaster resilient evacuation centers sa lahat ng 1,488 na munisipalidad at 146 na lungsod sa buong bansa. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us