BSP at SEC, pinakikilos laban sa mga mapang-abusong online lending apps

Facebook
Twitter
LinkedIn

Iginiit ni Senador Sherwin Gatchalian na dapat maging proactive ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) at ang Securities and Exchange Commission (SEC) sa pag-monitor ng mga lending online application, lalo na ang mga napapabalitang nangha-harasss ng mga nangungutang na hindi nakakapagbayad on time.

Ipinunto ng senador, na mas nagiging high-tech na ang mga lending application ngayon, at ang iba ay may kakayahan nang ma-track ang mga aktibidad at iba pang pribadong impormasyon ng kanilang mga customer.

Giit ni Gatchalian, dapat nire-regulate ng maayos ng BSP at SEC ang online lending apps na ito, at agad na i-report at ipatanggal sa Apple Store o Google Play Store ang mga application na may hindi magagandang gawain.

Kailangan rin aniyang masiguro ng mga kinauukulang ahensya ng gobyerno, na ang online lending apps ay otorisadong mag operate at sumusunod sila sa fair practices at responsible lending.

Pinaalalahanan rin ni Gatchalian ang mga Pilipino, na maging maingat sa mga tao o organisasyon na mag aalok ng pautang sa madali at mabilis na paraan, dahil malamang aniya ay may kapalit itong hindi maganda. | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us