Nakatakdang isailalim sa leadership seminar ang aabot sa 98 jail guards na natanggal sa kanilang pwesto sa maximum-security compound ng National Bilibid Prison sa Muntinlupa City.
Ayon kay Bureau of Corrections Director General Gregorio Pio Catapang Jr. na hindi lang persons deprived of liberty ang kanilang isinasailalim sa reporma, kabilang rin aniya sa kinakailangan ireporma ay ang kanilang mga tauhan na naliligaw na ng landas.
Paliwanag pa ni Catapang na nais niyang anihin ng kanilang mga tauhan ang serbisyong ibinigay nila para sa kawanihan kaya kinakailangan nilang maging matiyaga at magbago sa kanilang masasamang gawain.
Samantala, ang 98 jail guards na ito ay bahagi lamang ng 700 na personnel ng Bureau of Corrections na natanggal sa kanilang trabaho noong Abril 14 dahil sa kanilang di kanais-nais na gawain. | ulat ni Arrian Jeff Ignacio