Bulkang Mayon at Bulkang Taal, patuloy ang ipinapakitang aktibidad sa nakalipas na 24 oras

Facebook
Twitter
LinkedIn

Patuloy ang ipinakikitang mga aaktibidad ng Bulkang Mayon at Bulkang Taal sa nakalipas na 24 oras.

Ayon sa PHIVOLCS, nakapagtala ng dalawang volcanic earthquakes sa Bulkang Mayon, 284 na rockfall events, at pitong dome collapse pyroclastic density current events sa crater ng bulkan.

Habang siyam na volcanic earthquakes naman ang naitala sa Bulkang Taal, kabilang dito ang limang volcanic tremor na tumagal ng dalawang minuto.

Aabot naman sa 7,480 na tonelada ng asupre o sulfur dioxide ang ibinuga ng Taal.

Nagkaroon din ng malakas na pagsingaw na nasa 2,400 metro ang taas na napadpad sa timog-kanluran at hilangang-silangan ng bulkan.

Sa kabila ng ipinakikitang mga aktibidad ng dalawang bulkan, nananatili pa rin sa Alert Level 3 ang Bulkang Mayon at Alert Level 1 ang Bulkang Taal. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us