Cavite Police Prov’l Office, 2 beses na nakapagtala ng zero percent sa 8 focus crimes ngayong buwan

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nakapagtala ang Cavite Police Provincial Office ng zero percent sa eight focus crimes nang dalawang beses ngayong buwan ng Hunyo.

Ayon kay Police Lt. Col. Jack Angog, Deputy Provincial Director for Operations, noong 6AM ng June 20 hanggang 6AM ng June 21 ay walang naitalang insidente ng murder, homicide, physical injury, rape, theft, robbery, car theft at motorcycle theft.

Ganito rin aniya ang naobserbahan noong nakaraang Sabado.

Dagdag ni Angog, nakatulong ang pagsasagawa ng simulation exercises o simex para paghandaan ang anumang situwasyon.

Bukod pa rito, patuloy ang pagpapakalat ng mga nagpapatrolyang police mobile sa Cavite, pagdadagdag ng police personnel, at pakikipag-ugnayan sa mga hepe ng istasyon. | ulat ni Bernard Jaudian Jr.

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us