Chinese kidnap victim, natagpuang buhay sa gilid ng daan sa Antipolo

Facebook
Twitter
LinkedIn

Natagpuang buhay at nakaposas sa gilid ng daan sa Brgy. San Isidro, Antipolo City, ang nawawalang Chinese na dinukot noong nakaraang buwan sa Pasay City.

Sa ulat ng Antipolo PNP na nakarating sa Camp Crame, kinilala ang biktima na si Hu Guangfu.

Natagpuan siya pasado alas-10 kagabi sa gilid ng national road ng mga barangay tanod, matapos na ibaba ng isang sasakyan.

Sa pamamagitan ng interpreter, inihayag ni Guangfu na siya ay dinukot sa Pasay City ng apat na Pilipino noong gabi ng Mayo 7.

Matapos dukutin, isinakay umano siya sa taxi na naka-piring ang mata at dinala sa hindi malamang lugar kung saan siya binihag hanggang sa pakawalan kagabi.

Iniimbestigahan na ng PNP Anti-Kidnapping Group (AKG) ang insidente. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us