Ganap nang Drug-Free Workplace ang Dagupan City Jail Female Dormitory matapos ang isinagawang assessment ngayon ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Pangasinan Provincial Office.
Kasabay nito, nagsagawa ng Drug-Free Workplace Program Orientation ang mga miyembro ng Preventive Education and Community Involvement (PECI) Team ng PDEA Pangasinan.
Isinailalim sa oryentasyon ang mga kawani ng Dagupan District Jail Female Dormitory sa pangunguna ni Jail Inspector Noemi Sabalbro.
Ibinahagi sa mga ito ang mga mahalagang probisyong nakapaloob sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Kabilang narin sa tinalakay ang masamang epekto ng paggamit ng ipinagbabawal na mga gamot at ang ligal na basehan sa Drug-Free Workplace Program ng PDEA. | ulat ni Sarah Cayabyab | RP1 Dagupan