Nakahanda na ang Commission on Elections o COMELEC para sa gaganaping Barangay at Sanguinaang kabataang Elections sa darating na October 30.
Ayon kay COMELEC Chairperson George Erwin Garcia na nasa 95 percent status nang handa ang poll body at mag-iimprenta na lamang ito ng balota dahil sa pagkaantala nito matapos makapagtala ng double registrations na nagakapagrehistro mula December 12, 2022 hangang January 31, 2023.
Nauna nang sinabi ni Garcia na nagsimula nang magsampa ng kaso ang poll body laban sa 7,000 indibidwal na may double registration.
Samantala, aabot sa 1.5 million voter-registrants ang nadagdag sa voting population ng bansa na may kabuuang botante na 92.5 milyon voter-registrants. | ulat ni Arrian Jeff Ignacio