DA, inaming pangunahing problema pa rin sa livestock industry ang ASF

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inamin ng Department of Agriculture (DA) na nananatili pa ring banta sa livestock industry ang kaso ng African Swine Fever (ASF) sa bansa.

Ayon kay DA Assistant Secretary for Operations Arnel de Mesa, kumakalat pa rin ang ASF sa Visayas Region partikular sa mga lalawigan ng Aklan, Antique, Negros Oreintal at Negros Occidental.

Gayunman, sa kabilang pagkalat ng ASF matagumpay naman aniya ang clinical trial ng ASF vaccine na gawa sa Vietnam batay sa ulat ng Bureau of Animal Industry (BAI).

Sa ngayon, hinihintay na lamang ng DA ang Certificate of Product Registration (CPR) para mabili na ang Anti-ASF Vaccine na gawa sa Vietnam.

Sa report ng DA-BAI nasa 600 libong doses ng Anti-ASF Vaccine ang inilaan ng Vietnam para sa Pilipinas ngayong taon na maide-deliver sa sandaling maglabas ng CPR ang Food and Drugs Administration (FDA).| ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us