Nagsanib-puwersa ang Department of Agriculture (DA) at Philippine Navy upang maghatid ng libo-libong metriko tonelada ng bawang sa lalawigan ng Pangasinan.
Sa pamamagitan ng DA-Inspectorate and Enforcement Office at Philippine Navy, naibiyahe ang 18,125 metric tons ng bawang mula sa Itbayat Garlic Farmers Producers Association patungong Sual Seaport sa Pangasinan.
Ang produksyon na nagkakahalaga ng ₱1.95-million pesos ay binili ng Fresh Buys Ph mula sa Baguio City.
Isinakay ang mga produkto sa barko ng Navy na binubuo ng 11,000 kilograms ng large garlic, mahigit 5,000 kilograms ng medium garlic, at mahigit 1,700 kilograms ng maliliit na bawang.
Ayon kay Agriculture Assistant Secretary at DA-IE Head James Layug, magpapatuloy ang paglulunsad ng proyekto katuwang ang iba pang ahensya ng pamahalaan upang mapabuti ang buhay at kabuhayan ng mga Pilipinong magsasaka at mangingisda.
Palalakasin aniya ang Market Linkage Program kung saan magsisilbing liaison ang DA-IE para sa federal, state at local governments.
Nagtulungan ang DA at Navy sa hauling at transport services upang tiyakin ang efficient delivery at stable supply ng agricultural supplies at food items sa mga Pilipino. | ulat ni Hajji Kaamiño
📸: DA