Tuloy-tuloy na ang pagbaba ng kaso ng COVID- 19 sa lungsod Quezon na ngayon ay nasa higit 200 na lang .
Ayon sa OCTA Research, mula sa 89 average daily cases bumaba na ito sa 52 kaso batay sa huling tala sa lungsod.
Nakitaan na rin ng pagbaba ng positivity rate sa 11.3% mula sa 17.3% habang ang reproduction number ng lungsod ay 0.71, mas mababa kumpara sa 0.83 noong nakaraang linggo.
Nanatili pa rin sa low risk level ang lungsod Quezon batay sa pamantayan ng Department of Health.
Paalala sa publiko ng lokal na pamahalaan na patuloy na mag-ingat at huwag maging kampante sa banta ng COVID-19 at mga variant nito. Ugaliin pa rin ang pagsusuot ng face mask at pagsunod sa health and safety protocols. | ulat ni Rey Ferrer