Davao City police, bumuo ng SITG para mag-imbestiga sa pagsabog ng IED sa Ecoland

Facebook
Twitter
LinkedIn

Bumuo ng Special Investigation Task Group ang Davao City Police Office para sa imbestigasyon sa nangyaring pagsabong ng isang improvised explosive device noong Huwebes, June 14 sa Ecowest Drive, Ecoland Davao City.

Ayon kay DCPO Spokesperson PMaj. Catherine dela Rey, bagama’t na-establish na nila na personal ang motibo ng insidente, nais nilang mas palalimin pa ang imbestigasyon sapagkat mayroon itong sangkot na pagsabog.

Patuloy pa rin ang Explosive Ordinance Division (EOD) sa pag-reconstruct ng IED para matukoy kung anong uri ng bomba ang ginamit at kalaunan ang pagkakakilanlan ng mga suspect.

Sa ngayon, may tatlong Persons of Interest ang kapulisan batay sa footage ng cctv na kanilang nakuha, ngunit wala pa silang identity dahil nakamask ang mga ito.

Samantala, patuloy naman ang DCPO sa pagkalap ng impormasyon tungkol sa mga death threats na natanggap ni Atty. Alberto Magulta na siyang nagmamay-ari ng kotseng pinasabugan ng IED.

Muling siniguro ni dela Rey sa mga Dabawenyo na walang kinalaman sa terorismo ang naturang pagsabog, kaya wala dapat silang ipag-alala, bagama’t kailangan pa ring maging alerto upang mapanatili ang seguridad ng lungsod.| ulat ni Maymay Benedicto| RP1 Davao

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us