Deadline sa pagsumite ng SALN, hanggang Hunyo 30 na lang — CSC

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagpaalala ang Civil Service Commission (CSC) sa mga opisyal at empleyado ng gobyerno na maghain na ng 2022 Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (SALN).

Ayon sa CSC, huwag nang hintayin pa ang deadline sa Hunyo 30, 2023 dahil rerebisahin pa ito ng Review and Compliance Committee (RCC) ng bawat ahensya ang SALN.

Nilinaw ng CSC, na umiiral pa rin ang guidelines na ginamit noong kasagsagan ng COVID-19 pandemic.

Dahil nasa transition pa sa new normal ang iba’t ibang sangay ng pamahalaan, papayagan ang iba pang mode of filing.

Maaring mag-file ng personal at papayagan pa rin ang electronic filing ng SALN.

Kinakailangan lamang na matiyak na makatotohanan, detalyado at sinumpaan ang idedeklarang mga ari-arian, pagkakautang, mga negosyo at financial connection ng bawat manggagawa sa pamahalaan. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us