Degamo killing, hindi hadlang sa BSKE elections sa Negros oriental — PNP Chief

Facebook
Twitter
LinkedIn

Naniniwala si PNP Chief Police General Benjamin Acorda Jr. na walang dahilan para ipagpaliban ang Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa Negros Oriental.

Ito ang inihayag ng PNP Chief nang magtungo siya sa Negros Oriental para sa isang joint peace agreement, kaugnay ng apela sa COMELEC ng ilang local executives sa lalawigan na ipagpaliban ang BSKE doon.

Nangangamba kasi ang mga lokal na opisyal na posibleng tumaas ang tensyon dulot ng away politika kasunod ng pagkakapatay kay Gov. Degamo noong Marso 4.

Binigyang diin naman ni Gen. Acorda na kung seguridad ang pag-uusapan sa BSKE ay nagsagawa na ng kaukulang paghahanda ang PNP sa tulong ng AFP.

Sa katunayan, para matiyak ang kaligtasan ng mga kandidato, botante, guro at publiko sa BSKE na itinakda sa Oktubre, ay magde-deploy ang pamahalaan ng sapat na bilang ng mga pulis at sundalo sa lalawigan. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us